Nakakamiss
“Walang permanente sa mundo.”
Tama di ba?! Marami nang pagbabago ang nangyari na sa bawat isa sa atin.. Maaaring sa katawan, sa prinsipyo, sa plano, sa mga nakakasamang kaibigan at kung anu-ano pa..
Madalas naiisip natin na nakakatamad ang bawat araw na lumilipas kasi pare-pareho lang.. Pero sa isang banda, hindi natin namamalayan marami na palang nagbago.. May nawala at mayroon ding nadagdag..
Noong mga bata pa tayo, lagi natin kasama at kalaro ang mga pinsan, kapatid, kapitbahay at mga classmate natin ng elementary.. Sa bawat araw na nakakasama natin sila, iba’t-iba man ang nilalaro at pinaguusapan, parereho pa ding mukha at pangalan ang nakikita natin.. Maaaring nakakasawa pero ngayon na naaalala mo ang mga araw na yun, maiisip mo saan na kaya sila? Nakakamiss..
High school nagkaroon tayo ng mga tropa.. Natuto na tayong tumambay pagkatapos ng klase.. May mga lugar na naging teritoryo na natin ng ilan taon.. Pare-parehong tao, pare-parehong lugar.. Walang bago pero hindi nakakasawa.. Alam ko bago dumating ang araw ng graduation, mas maraming pagkakataon na nagkaroon tayo ng bonding.. Mas maraming hindi malilimutang pangyayari bago magkahiwahiwalay.. May mga naglakas ng loob na magtapat ng pag-ibig, may mga sama ng loob na lumabas, may mga gulo na naayos, pero sa huli may samahan na hindi na ulit mararanasan.. Nakakamiss..
College kung saan mas malaya na tayo, mas malayo sa bahay, mas maraming baon, at mas maraming bagong natututunan, nakilala natin ang mga taong kapareho natin ng piniling propesyon. Mas maraming gala, yung iba mas malaya pagdating sa bisyo, lovelife, gala at kung anu-ano pa.. Sa bawat semester na dumadaan, unti unti ding nalalagas ang mga kabarkada at kaklase natin dahil sa pinansyal na problema.. Andito yung naging expert na tayo sa paggawa ng promissory note bago ang exam o minsan bago magenroll.. Andito yung magsisimula na ang exam pero ikaw nakapila pa din sa harap ng cashier para lang makakuha ng test permit.. Andito din yung mga sobrang hirap na pinagdaanan para lang makapasa sa written at practical exam.. At sino ba ang makakalimot sa hirap na naranasan natin sa thesis.. Pero kahit maraming problena at hirap, marami pa ding masaya.. Sino ba ang makakalimot sa mga oras na walang ginagawa kundi magkwentuhan at pagtripan ang isa’t isa.. Sa mga walang tigil na pagtatalo kapag may contribution dahil pare-pareho kayong kuripot.. Sa mga pagkain na laging pinag aagawan.. Sa mga gala na kumpleto ang grupo.. Sa graduation kung saan nakasuot tayo ng itim na toga.. Sa review ng mga may mga board exam.. Sa kabi-kabilang celebration after makapasa at makakuha ng lisensya.. Sa lahat ng panahon na magkakasama kayo at ngayon alam natin na hangang alaala na lang ang lahat.. Dahil kahit anung gawin natin, hindi na tayo mabubuo at magagawa ulit ang mga bagay na nakakamiss..
Kahit sa trabaho, saglit man o matagal, o kahit palipat-lipat ka man ng trabaho, sigurado na mayroon tayong mga tao na tinuring na din nating pamilya.. Makahanap man tayo ng stable na trabaho, wala pa ring permanente dito.. Maaaring tayo kuntento sa takbo ng trabaho pero ang mga taong nakapaligid at napamahal na sa atin hindi.. Dadating at dadating ang panahon na aalis sila dahil sa magandang opportunity, sa paghahanap ng ibang environment o experience, sa mga hindi magandang pagkakataon na wala sa control nila, dahil sa kagustuhan ng ibang tao lalo na ang mga nakakataas sa kanila.. Maraming dahilan at lahat yun nakakalungkot.. Mahirap tanggapin at nakakamiss..
Ganyan talaga ang buhay, may dumadating at may nawawala.. May mga panahon na naiisip natin “sana makasama ko ulit sila”. Maraming “sana” ang naiisip natin pero sadyang mahirap lang talagang buuin.. Kaya ang tanging masasabi lang natin.. NAKAKAMISS
Till We Meet Again!
It was a very special weekend for us leaders.. Honestly ngayon lang
ako nakasama sa evening gimik ng leaders bilang napakastrict ng daddy
ko at hindi ako pwede abutin ng dilim especially noong pumapasok pa
ko.. Pero dahil PM shift ako ngayong week, I got the chance to make
ninja moves for this special day.. Special kasi yung taong dahilan
kung bakit kami magkakasama ngayon..
He is Jonathan Magbitang, Leader Othan for all of us.. Siya yung
pinakanag train sa amin when it comes to handling our beloved group,
Chiro Silang.
So here it goes, Friday night dinner out kami at Yellowcab Dasma..
Dapat hindi na ko sasama dahil hangang 10pm pa yung shift ko. Since
9:00 pm daw ang usapan, I suppose past 10:00 na sila dadating. And
sakto pagdating ko kakatapos lang nila mag order. Kainan, kwentuhan,
asaran.. Super nakakamiss yung mga ganito moments namin.. Nakakamiss
yung mga hirit, pangongonsensya, interrogation.. Ganyan kami talaga..
Actually hindi pa talaga ito yung send off party namin for Ld Othan.
Ang alam nya ito na yung blowout namin for him bago sya lumipad
papunta Dubai to finally settle down with his wife, Ld Jing. Oh by the
way, i miss her so much.. Siya kasi yung una ko na leader..
Going back, meron talaga kaming surprise na hinanda for him… Saturday
night became an awards night for an exceptional leader. Pagdating nya
sa bahay nila, nagulat sya kasi puro kami nkporma.. Then the program
started.. We gave an item which reminds if an event that we will
forever remember about him.. I gave him a Grand Slam Award.. Why? It’s
because naranasan nya ng pagbagsakan ng pinti ng daddy ko during hifh
school days.. Yes, that’s true.. Hindi ko makakalimutan yung araw na
yun, even him.. Sobrang nakakahiya yung ginawa ng daddy ko,
despitenthe good deeds na ginawa ni Ld Othan for me.. And kahit na
nangyari yon, hindi akk sinukuan ni ld othan. He is one of those
person na naniwala at nagtiwala sa kin and i will forever love him for
that!

We had our own chances to give out message and gifts for him.. Sobrang
saya ng event.. It was a very special night. Aside from us na present
sa house nila, ang dami pang surprise messages, letters, video clips
and greetings from selected people who have so much respect for this
man just like us.. Several minutes aren’t enough para iexpress namin
kung gaano kami ka thankful dahil nagkaroon kami ng chance na maging
part ng buhay ng isang Jonathan Magbitang..

Till we meet again Lead! We won’t sat goodbye but see you again! We will definitely miss you but we are happy that you and Matt will be reuniting with Ldr Jing again.. Good luck to both of you and may your dreams come true.. We’ll for the day that you will come back and bring us our pasalubongs.. Hehe we love you leader Othan!

At the end of the day.. Nainlab lang tayo..
Madaming istorya tungkol sa lovelife ang naeencounter natin sa araw araw.. May masayang pakinggan, may nakakainggit, may pang fairy tale, may nakakainis, may time din na maiisip mo ‘ang tanga naman nito, simple lang naman yan, iwan mo’.. Magaling tayong magbigay ng advice sa iba’t - ibang eksena ng love story pero ang totoo, tayo hindi naman natin kaya gawin ang sinasabi natin sa iba..
Sa lovelife, kanya kanya tayo ng role.. Minsan ikaw yung bida, minsan ikaw yung kontra.. Pero minsan hindi natin alam yung totoo nating karakter sa istorya.. Minsan tayo yung nasasaktohan ng ‘twist’.. Akala natin tayo na yung leading lady, ang tanging babaeng mamahalin ni prince charming.. Pero habang tumatakbo ang istorya, tayo pala yung babae na ipagpapalit sa umpisa ng pelikula.. Yung girl na kaiinisan ng mga nanonood kasi hadlang sya sa love story ng totoong bida.. Yung girl na kahit nagkatuluyan na yung totoong loveteam eh hindi pa din nawawala sa eksena.. Tapos yung totoong leading lady yung lalabas na masasaktan at niloko..
Kung iisipin, kanino bang part yung mas masakit? Sino ba ang tunay na masama? Yung girl na nagsasabi ‘nasa buhay na nya ko bago ka pa nya makilala’.. Si prince charming ba na okay sa kanya si girl number one pero sadyang na love at first sight lang kay girl number two at iniisip na she’s the one.. Or si totoong leading lady na niligawan at sinagot si price charming kahit may kaflirt pa pala syang iba..
Hais ganyan talaga ang love.. Masyado kumplikado.. Pero kahit ano pa ang karakter mo sa istorya, kahit anong twist pa ang mangyari, isipin natin na walang kontrabida.. Dahil una sa lahat, katulad lang tayo ng kahit sinong tao.. Gustong mahanap si ‘the one’, gustong magkaroon ng ‘happy ever after’..
Kahit gaano pa kabitter ang Naging resulta, walang dapat magalit.. Nainlab lang tayo di ba?
Dahil tumatanda na ko..
I’m turning 22 next week… Not so old pero nafefeel ko na nasa age na ko kung saan nappressure na ko dahil hindi ko pa din alam ang totoong gusto ko sa buhay..
Ayoko ng course ko, ayoko magwork sa ospital dahil mahina ako pagdating sa practice.. Ako kasi yung tao na mas gusto kong mabugbog ang utak ko kesa mabugbog ang katawan ko.. I wanted to go back to school kaya lang anu naman kukunin kong course, after ba nun matutuwa ba ako? Dahil may trabaho na ko, ayoko na ulit bumalik sa time na hihingi ako ng allowance sa parents ko.. Kaya nga ayoko din mag apply at mag volunteer sa ospital kasi wala ako pera nun..
King mag aral naman ako ng weekend, wala na kong social life, lalo na at hanggang saturday na yung pasok ko..
Gusto ko lumipat ng trabaho ngunit sadyang hindi lang ako qualified sa mga gusto kong position.. Swerte na din kasi ako sa sweldo ko dito sa present work ko.. Pero ayoko na ng environment dito..
Gusto ko ng extra income pero sadyang wala lang akong talent pagdating sa pag nenegosyo pero nag iipon pa din ako sa puhunan, malay mo lang.. Hehe ako kasi yung tao na mas gugustuhin pang bumili ng stocks at maghintay lang ng income.. Haha
Hai ang hirap magplano ng future no? Ang hirap lalo na sa mga katulad kong nasanay na iniisip na nakaplano na ang lahat at sabay lang sa ikot ng mundo.. Pero sana Lord next year may makita na kong direksyon sa buhay ko.. Dahil tumatanda na ko..
Kilig naman ako sa mami ko..:)
Really love is falling in love all over again |
FOLLOW BEST LOVE QUOTES ON TUMBLR FOR MORE LOVE QUOTES
(via sayingimages)